PANIMULA KAY SIMOUN
Si Simoun ang pangunahing karakter sa dalawang nobela ni Jose Rizal. Bilang Crisostomo Ibarra (na kanyang tunay na pangalan), siya ang pangunahing tauhan sa unang nobelang ni Rizal, Noli Me Tangere. Sa unang nobela, Isa siyang ideyalista na naniniwala na ang mga repormang panlipunan ay maaaring magtapos sa mga kanser sa lipunan, at sumasalungat sa pinuno ng Espanya. Sa ikalawang nobela ni Rizal, bumalik siya bilang isang mayaman na tindero ng alahas na si Simoun. Siya ay hinimok ng kanyang mga karanasan sa pagmamaltrato sa mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila at ang matinding galit sa mga naging sawing-kapalaran ni Maria Clara.
Si Crisostomo Ibarra ay nagbalik bilang isang mayamang nagtitinda ng alahas sa ilalim ng pangalan na Simoun. Siya ay kilala bilang impluwensyal sa kolonyal na gobyerno ng Espanya sa Pilipinas at may ugnayan sa Kapitan-Heneral. Inabandona niya ang kanyang mga ideyalistang pananaw matapos ang mga trahedya sa huling nobela. Naniniwala siya na ang mabagsik at marahas na rebolusyon ay ang tanging paraan upang magwawakas ang pang-aabuso ng mga Espanyol, lalo na ang mga prayle at pari. Nais niyang gawin ito sa pamamagitan ng pag-impluwensya sa Kapitan-Heneral upang gumawa ng maling mga desisyon na hahantong sa karagdagang paghihirap ng mga Pilipino. Naniniwala siya na ang paggawa nito ay magmumulat ng kanilang mga mata sa katotohanan at magsimula ng rebolusyon. Ang kanyang iba pang mga layunin ay upang magbakante Maria Clara mula sa kumbento.
Ang pagkamatay ni Maria Clara habang naglilingkod sa kumbento ang lalong ang nagdulot kay Simoun upang higit pang ituloy ang kanyang mga plano.
Kabanata 1 : Sa Ibabaw ng Kubyerta | |||||||||||||||||||
Isang umaga ng Disyembre, naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo patungong Laguna. Makikita sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun. Ginagalang ng mga tao si Simoun dahil, na naiimpluwensiyahan nito ang Kapitan Heneral. Napag-usapan sa ibabaw ng kubyerta ang pagpapalalim ng ilog Pasig habang sila ay naglalakbay.Sa kanilang usapan ay iminungkahi ni Simoun na gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Ang mungkahi naman ni Don Custodio ay ang pag-alagain ang mga tao ng itik. Kinakain kasi ng mga itik ang mga suso sa ilog, kaya huhukayin ng mga tao ang ilog upang may makuhang suso na kanilang ipapakain sa mga alagang itik. Ngunit hindi sang-ayon si Donya Victorina dito dahil nandidiri siya sa balot.
Uuwi na sana si Basilio nang may nakita paparating. Nagtago siya sa puno ng baliti at nakita ang pagtigil ng taong dumating na nagsimulang maghukay gamit ang asarol.
Nakilala siya ni Basilio na siya ay si Simoun. Siya rin ang taong tumulong sa pagpapalilibing sa isang lalaking sugatan at sa kanyang ina labing-tatlong taon na ang lumipas.
Lumapit kay Simoun si Basilio upang tumulong. Ngunit biglang itinutok sa kanya ang baril ni Simoun at itinanong kung siya ay nakikilala nito.
Tumugon si Basilio at sinabi na nakikilala siya nito at alam niyang siya si Ibarra labing tatlong taon na ang nakakalipas na inaakala ng lahat na siya ay patay na.
Malaking sikreto ang nalalaman ni Basilio kaya binalak niyang patayin ito.Ngunit dahil sa halos pareho sila ng sinapit ni Basilio at uhaw din sa katarungan ay dapat daw silang magtulungang dalawa.
Inamin ni Simoun na ang kanyang sikreto at ikinuwento na nilibot niya ang buong daigdig upang maging handa sa kanyang pagbabalik at mapabagsak ang pamahalaang sumira sa kanyang buhay.
Siya raw ay bumalik upang ibalik ang katarungan na ipinagkait ng simbahan at pamahalaan.
Hindi rin sang-ayon si Ibarra sa plano nina Basilio na pagtatayo ng paraalan ng Wikang Kastila at sa paghingi nilang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas, na ayon kay Simoun, magbibigay lamang ito ng daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika.
Katwiran naman ni Basilio, ang kastila umano ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas.
Bagay na hindi sinang-ayunan ni Simoun. Kailan man ay di raw magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ang wikang Kastila. Dahil magdudulot lamang ito ng pagkawala ng sariling kakayahan, pagpapailalim sa ibang utak, at pagkaalipin sa mga Pilipino. Mabuti raw kung ayaw silang turuan ng mga Kastila ng kanilang wika. Mas maganda umano na paunlarin ang sariling wika nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa.
Dapat din ay huwag hayaang ang Kastila na sila ang maghari at maging bahagi ng bayang ito dahil sila’y mga manlulupig at dayuhan. Saganitong paraan matatamo ang tunay na paglaya.
Inamin ni Simoun na ito ang dahilan kung bakit hinayaan niyang mabuhay si Basilio, Isagani at Makaraig na binalak niyang patayin dahil maaaring maging hadlang sa kanyang paghihiganti.
Paliwanag naman ni Basilio napasang-ayon lamang siya sa kahilingang tungkol sa paaralan dahil inaakala niyang iyon ang mabuti. Ngunit sa panggagamot daw talaga ang hangarin niya.
Hindi makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay Simoun dahil mas dapat umanong unahing gamutin ang sakit ng bayan.Ngunit para kay Basilio, kaya nga daw niya pinili ang siyensiya ay upang makapaglingkod sa bayan.
Napansin ni Simoun na tila hindi naantig ang kalooban ni Basilio kaya sinabi nya na wala namang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay ng kanyang ina. Tutulungan daw niya si Basilio sa paghihiganti.
Ngunit ano naman daw ang mapapala niya sa paghihiganti kung hindi Nito maibabalik ang kanyang ina at kapatid, sagot ni Basilio.
Ngunit tinugon siya ni Simoun na ang pagpapaumanhin ay kasalanan kung nagbibigaay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.
Saka ipinaalala ni Simoun na sa pag-aaral ni maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio dahil siya na ang inapi ay siya pa rin ang kinamumuhian.
Sagot ni Simoun, likas ang mamuhi sa kanyang inaapi.
Dagdag pa ni Simoun, walang hangad si Basilio kundi isang tahanan, kaunting kaginhawahan, asawa; isang dakot na bigas na mithiin rin ng marami sa Pilipinas, na kung mangyari ay papalagaying sila ay mapalad na.
Matapos sabihing malaya si Basilio sa pagsisiwalat ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay pumunta lamang sa kanyang tanggapan sa Escolta.
Nagpasalamat naman si Basilio. Di raw kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak din itong maghiganti ngunit naglilihim lamang at nais sarilinin o sadyang wala nang hangad na maghiganti?, ang iniisip ni Simoun.Ngunit lalong nanaig sa loob ni Simoun ang matinding nais na makapaghiganti.
Mula noo’y madalas sa tindahan ng mga Pelaez si
Simoun na usap-usapan na pinakisamahan na nito.
Nabalitang ikakasal na si Juanito kay Paulita.
Bagay umano ang dalawa dahil sila'y mga walang
isip at makasarili.
Limot na ang mga pangamba pagdating ng Abril.
Ang piging sa kasal nina Juanito at Paulita ay
inaabangan ng buong bayan. Iniisip ng ilan na
makipagkaibigan kay Simoun at Don Timoteo Pelaez
para maimbita sa kasal. Ang Kapitan Heneral ay
ninong sa nalalapit na kasal at inayos at
pinaghandaan ni Simoun.
Dumating ang mga bisita sa tirahan ni Kapitan
Tiyago ng ikapito ng gabi para sa isang
salu-salo para sa ikinasal. Unang dumating ang
maliliit na tao hanggang sa may malaking
katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Nauna ang
mga taong hindi mataas ang tungkulin hanggang sa
mga taong may malaking katayuan. Pinagpupugayan
ni Don Timoteo ang lahat ng mga bisita.
Ang bagong kasal ay kasamang dumating ni Donya
Victorina. Si Padre Salvi ay naroon na ngunit
ang Heneral ay wala pa. Pupunta sana sa
palikuran si Don Timoteo ngunit di siya makaalis
dahil wala pa ang Heneral.
Mayroong pumuna sa mga kromo sa pader. Nagalit
si Don Timoteo at sinabing iyon daw ay ang
pinakamahal na mabibili sa Maynila. Sisingilin
daw niya ang utang ng pumintas kinabukasan.
Ang Heneral ay dumating na. Ang mga dinaramdam
ni Don Timoteo ay naglaho. Pinapanood ni Basilio
ang mga nagdaratingan habang siya ay nasa harap
ng bahay. Ang mga inakala niyang mga walang
malay ay kanyang kinahabagan na mamamatay roon
kaya naisip niyang bigyan sila ng babala.
Subalit nangg makita niya sina Padre Salvi at
Padre Irene, ang kanyang isip ay nagbago.
Nakita rin ni Basilio si Simoun na dala ang
ilawan. Ang anyo ni Simoun ay kasindak-sindak na
naliligid ng apoy at parang nag-aalinlangan din
ito sa pagpanhik. Nang siya'y magtuloy, sandali
niyang kinausap ang Heneral at ang iba mga
bisita. Saka siya nawala sa paningin ni Basilio.
Ang kapighatiang dinanas ng kanyang ina, kapatid,
at ni Huli ay nawala sa isip ni Basilio. Ang
kanyang kabutihang loob ay namayani at hinangad
na iligtas ang mga nasa bahay ngunit siya’y
pinigilan ng mga tanod dahil sa marusing niyang
anyo.
Namutla si Simoun nang makita si Basilio na
iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa kanya.
Ang mukha niya’y tila nagsasabi na tumuloy sa
sasakyan at nag-utos na, “Sa Eskolta. Matulin!”
Lumayo nang matulin si Basilio ngunit may nakita
siyang lalaki na nakatanaw sa bahay. Iyon ay si
Isagani kaya niyaya niya itong lumayo.
Ipinaliwanag niya ang tungkol sa ilawan saka
hinila si Isagani.
Ngunit mabilis na nagpasya ang binata ng
makitang nagpupuntahan na sa kainan ang mga
bisita. Pumasok sa kaniyang isip na kasamang
sasabog sa bahay si Paulita.
Sa loob ng bahay ay may nakita ang mga
nagpipiging na 'di umano'y isang kaputol na
papel na ganito ang nakasulat.
MANE THACEL PHARES
JUAN CRISOSTOMO IBARRA
Ayon kay Don Custodio iyon ay isa lamang biro
dahil matagal nang pumanaw si Crisostomo Ibarra.
Ngunit ng Makita ni Padre Salvi ang papel at ang
nakasulat doon ay namutla ito. Iyon ay lagda ni
Ibarra kaya napahilig siya sa sandigan ng silya
at nanlambot sa takot.
Ipapatawag sana ng Kapitan Heneral ang mga kawal
subalit ni isa'y wala siyang nakita kung kaya't
hinayaan na lamang niya na magpatuloy sa pagkain
ang mga bisita at huwag nang intindihin ang
biro. Nagpanggap ang Heneral na hindi natatakot
kahit pa ang lahat ng nasa loob ng bahay ay
takot na takot sa nasaksihan.
Ilang sandali lamang ay nagsalita si Don
Custodio. Sa tingin daw niya’y ang kahulugan ng
sulat ay papatayin silang lahat noong gabing
iyon.
Hindi sila lahat nakakibo. May nagsabi na baka
sila ay lasunin kung kaya't binitawan ang mga
hawak na kubyertos. Ang ilaw naman ay lumabo.
Sinabi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na
itaas nito ang mitsa ng ilawan. Bigla namang may
mabilis na pumasok, tinabig ang utusang
humadlang dito, saka kinuha ang ilawan, itinakbo
sa asotea, at itinapon sa ilog. May nagsabing
magnanakaw daw iyon at may nanghingi pa ng
rebolber.
Ang anino naman na kumuha sa ilawan ay tumalon
rin sa ilog.
Tumugtog si Padre Florentino ng kanyang armonyum
ng malungkot. Sa pag-aakalang siya ang Kastilang
sinasabi sa telegrama na huhulihin daw sa gabing
iyon, si Don Tiburcio ay umalis. Akala niya’y
nahanap na siya ni Donya Victorina na kanyang
asawa.
Isang telegrama ang ibinigay ng tenyente ng
guwardiya sibil kay Padre Florentino.
“Espanyol escondido casa Padre Florentino
cojera remitara vivo muerte” ang sabi sa
telegrama.
Si Simoun ang totoong tinutukoy sa telegrama.
Dalawang araw ang nakararaan nang sugatang
dumating sa bayan nina Padre Florentino si
Simoun. Di siya inusisa ng pari. Inosente ang
pari tungkol sa mga kaganapan noong gabi ng
piging sa Maynila.
Ang hinuha ng pari ay sugatan si Simoun sapagkat
may naghiganti dito sa kadahilanang wala na ang
Kapitan Heneral. Ngunit paliwanag ni Simoun ay
siya ay nagkasugat dahil sa kawalan ng
pag-iingat.
Naghinala ang pari nang matanggap ang telegrama
na si Simoun ay tumakas sa mga kawal na
tumutugis sa kanya sa Maynila.
Ayaw magpagamot ni Simoun sa ospital ngunit
pumayag na mag-paalaga kay Dr. De Espadaña.
Malubha ang sugat ni Simoun.
Itinigil
ni Padre Florentino ang pagtugtog at
nagmuni sa ibigsabihin ng pakutyang ngiti
ni Simoun nang malaman nito ang tungkol sa
telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga
darakip. Para sa pari ay taong palalo daw si
Simoun na dati’y makapangyarihan ngunit ngayon
ay kahabag-habag.
Inisip din niya kung bakit sa kanya na isang
paring Pilipino ginusto ni Simoun na magtago
samantalang dati’y napakababa ng tingin sa kanya
nito.
‘Di kasi pinansin noon ni Simoun ang pakiusap ng
pari na tulungang makaalis si Isagani sa
kulungan dalawang buwan na ang nakalipas.
Ikinalungkot din ni Isagani ang pag-aga ng kasal
ni Paulita at Juanito sa tulong ni Simoun.
Subalit sa kabila ng lahat ng ito maging ang
pagtulong ni Padre Florentino kay Simoun ay tila
ba walang nais mailigtas ni Simoun ang sarili.
Pumasok ang pari sa kwarto ni Simoun at tila
wala na ang mapangutyang mukha nito. Si Simoun
pala ay uminom ng lason at tinitiis ang sakit na
dulot nito sa kanya.
Ihahanap sana ng pari ng lunas si Simoun ngunit
tumanggi na ito. Nagdasal ang pari at buong
kabanalang inilapit ang isang silyon sa maysakit
at nakinig.
Dito na nagtapat si Simoun tungkol sa kaniyang
katauhan. Nasindak ang pari. Malungkot na
ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ang mukha
at nakinig. Inihayag ni Simoun ang kanyang buhay.
Labintatlong taon siya sa Europa upang mag-aral
saka umuwi sa Pilipinas na puno ng pangarap at
pag-asa. Napatawad na niya ang mga nagkasala sa
kanyang ama at pinili na mabuhay ng tahimik at
mapayapa. Ngunit isang kaguluhan ang dumating sa
kanya at sa isang iglap ay nawala sa kanya lahat.
Naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng
isang kaibigan.
Ninais daw niyang maghiganti. Lumabas siya ng
bansa dala ang bahagi ng yaman ng kanyang
magulang at siya’y nangalakal.
Sumali daw siya sa himagsikan sa Kuba. Doon niya
nakilala ang Kapitan Heneral na noon ay
Kumandante pa lamang. Pinautang ito at naging
matalik na kaibigan dahil sa kawalang hiyaan ng
kapitan na siya lang ang may alam.
Sa tulong ng salapi ay nakuha niyang maging
kaibigan ang Kapitan Heneral at naging
sunud-sunuran pa dito.
Marami pang pagtatapat si Simoun na inabot na ng
gabi nang matapos. Saglit na tumahimik at
inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni
Simoun. Hiniling ng pari na igalang ni Simoun
ang kalooban ng Diyos.
Napatanong si Simoun sa Diyos kung bakit siya ay
hindi tinulungan sa kanyang layunin. Sinabi ng
pari na ang kanyang paraan ay masama at saka
nagpaliwanag.
Ang mga sinabi ng pari ay kanyang tinanggap.
Inamin ni Simoun na siya'y nagkamali. Naitanong
niya na dahil ba sa kanyang pagkakamali ay hindi
ibibigay ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at
ililigtas ang mga taong may higit pang salarin
kaysa kanya?
Sumagot ang pari, sinabi niya na ang matatapat
at mababait at dapat upang ang kanilang adhikain
ay makilala. Ang kanilang dapat gawin ay ang
magtiis at gumawa
Si Simoun ay napailing. Sinabi niya na ang
pagtitiis at paggawa ay madaling banggitin sa
mga taong hindi pa iyon nararanasan. Natanong
din ni Simoun na anong klaseng Diyos ang humingi
ng malaking pagpapasakit.
Sinabi ng pari na ito ang isang Diyos na
makatarungan at nagbibigay ng parusa sa mga
taong kulang ang pananalig at gumagawa ng masama.
“Pinabayaan natin ang kasamaan kaya’t katulong
tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin
dapat tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin
natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng
katwiran at karangalan ng tao. Gumawa tayo ng
mabuti, tapat at marangal hanggang mamatay tayo
dahil sa kalayaan.”
Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Ang
katahimikan ay namayani. Dinagdagan pa ng
dalawang pisil. Si Simoun ay nagbuntong hininga
at labis na katahimikan ang naghari.
Napabulong na lamang ang pari ng,
“Nasaan
ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali,
ng kanilang mga pangarap at kasiglahan
alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan? Saan
naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng
dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang
karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y kailangang
malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may
lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng
kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng
apoy ng sigla na patay na sa aming puso? O
kabataan, kayo’y aming hinihintay!”
Napaluha si Padre Florentino at binitawan ang
kamay ni Simoun. Isang utusan ang kumatok at
nagtanong kung magsisindi ng ilaw. Hinipo ng
pari si Simoun at dahil sa liwanag ng binibigay
ng lampara ay naisip niyang patay na si Simoun.
Ang pari ay lumuhod at nanalangin.
Tinawag ni Padre Florentino ang mga utusan,
pinaluhod at pinagdasal. Umalis si Padre
Florentino ng silid at kinuha ang takbang bakal
ni Simoun. Ito'y kanyang dinala sa talampas na
laging inuupuan ni Isagani upang tanawin ang
lalim ng dagat.
Lumipas ang ilang sandali,
'di umano'y hinagis ni Padre Florentino ang mga
takba ng brilyante at alahas ni Simoun sa dagat. |
TALAKAYAN
MGA KASANAYAN
MAHALAGANG KAGANAPAN
Kabanata 1