Ang El Filibusterismo ay binubuo ng 39 na kabanata. Sa mga kabanatang ito ay matutunghayan natin kung paano muling nagbalik si Juan Crisostomo Ibarra (Simoun) upang maghiganti sa kanyang mga kaaway. Halina't simulang basahin ang El Filibusterismo!







 

 
Kabanata 1 : Sa Ibabaw ng Kubyerta

          Isang umaga noong Disyembre, ang Bapor Tabo ay naglayag sa Ilog Pasig. Papunta ito sa Laguna. Matatagpuan sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun. Ang tingin ng mga tao kay Simoun ay mataas dahil alam nila na siya ay nakaimpluwensiya sa Kapitan Heneral.

Napag-usapan ng mga tao sa ibabaw ng kubyerta ang tungkol sa pagpapalalim ng Ilog Pasig. Sinabi ni Simoun na gumawa ng isang tuwid na kanal na magkokonekta sa lawa ng Laguna at look ng Maynila. Sila ni Don Custodio ay nagkasaguyan. Sinabi niya na kumbinsihin na lamang ang mga tao na may alagang itik.

Ang mga suso sa ilog ay kinakain naman daw ng itik. Dahil dito, ang mga tao ay maghuhukay sa ilog upang may mahuling suso na ipapakain sa kanilang itik. Subalit, hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang ideya dahil siya ay nandidiri sa balot.


Kabanata 2 : Sa Ilalim ng Kubyerta

          Sa isang sulok sa ilalim ng kubyerta naroroon ang dalawang binatang si Basilio at Isagani. Si Basilio ay kilala sa paggagamot at si Isagani ay isang makata. Kausap nila si Kapitan Basilio.

           Napag-usapan nila si Kapitan Tiyago at napaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. Nagtalo ang dalawang binata at ang kapitan sa pagtatagumpay nito na siyang dahilan ng paglayo ng kapitan. Napag-usapan din ng dalawa ang kasintahan ni Isagani na si Paula Gomez.

           Bumaba si Simoun at nakita ang dalawang binata. Ipinakilala ni Basilio si Isagani kay Simoun. Sinabi ni Simoun na ayon sa mnakararami ay mahihirap daw ang mga nakatira sa lalawigan ni Isagani na siyang kinainis nito. Ipinagtanggol niya ang mahal niyang lalawigan. Napangiti si Simoun at sinabing kaya niya ito nasabi dahil ang mga pari sa lalawigan ni Isagani ay mga Pilipino.

           Inaya ni Simoun ang dalawa na uminom ng serbesa ngunit tinanggihan ito ng dalawa. Sinabi ni Simoun na ayon kay Padre Camorra ay nakabubuti ang serbesa sa atin na pinabulaanan ng dalawang binata.

          " Lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan." Sambit ni Isagani na siyang ikinagulat ni Simoun. Nagsambit din si Basilio ng isang berso sa tula ni Isagani.

          Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na Kardinal Moreno. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Nguni’t nakita ng kapitan si Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.


Kabanata 3 : Ang mga Alamat

           Ikinuwento ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito ay banal para sa mga katutubo noong una dahil ito ang tahanan ng mga espiritu. Subalit ng tirhan ito ng mga tulisan ay nawala ang takot ng mga mamamayan sa mga espiritu at nasalin naman sa mga tulisan.

          Sunod na alamat na ikinuwento ay ang alamat tungkol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nagkwento ng alamat sapagkat inanyayahan siya ng Kapitan. “May magkasintahan sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki habang nagbabalatkayo ang babae. Sinundan ng babae ang arsobispo at hiniling na sundin ang pangakong kasal nila. Ngunit iba ang naisip ng arsobispo at sa halip ay itinira niya ang babae sa isang yungib malapit sa Ilog Pasig”. Nagandahan si Ben Zayb sa alamat habang nainggit naman si Donya Victorina dahil gusto niya ring manirahan sa isang kweba.

           Nalipat naman ang paksa nila tungkol sa alamat ni San Nicolas kung saan niligtas niya ang isang intsik sa pagkamatay sa mga buwaya na naging bato pagkatapos dasalan ng intsik ang santo.

           Pumunta sila sa lawa at tinanong ni Ben Zayb kung saan roon namatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra. Itinuro ng kapitan kung saan, naghanap ng bakas si Donya Victorina at sinabi naman ni Padre Salvi ay nakasama daw ng ama ang bangkay ng kanyang anak. Ayon naman kay Ben Zayb, ito ang pinakamurang libing at nagtawanan sila.


Kabanata 4 : Kabesang Tales

          Si Tandang Selo ang umampon kay Basilio. Ang anak nitong si Kabesang Tales ay namatayan ng anak at asawa dahil sa malaria. Si Huli at Tano ang natira at si Huli na syang kasintahan ni Basilio ay binenta ang alahas na pagmamayari ni Maria Clara upang may maipantubos sa ama. Ang lupang pinagtaniman ng mga tubo ni Kabesang tales ay inangkin ng mga prayle at pinatawan ito ng buwis ng may makitang pera sa kanya ay dinakip ito at matutubos sa halagang 500.

          Sa kasawiang palad walang nakuhang pantubos si Juli at sya’y namasukan bilang katulong sa tahanan ni Hermana Penchang at dahil rito hindi na nakapag aral si Huli. Masalimuot ang kanyang panaginip ng gabing iyon

          Si Kabesang Tales ay isa nang Kabesa de Barangay. Si Kabesang Tales ay ang anak ni Tandang Selo na tumulong noon kay Basilio sa kagubatan. Sina Lucia na namatay sa malaria kasama ang kanyang asawa, si Tano at si Julia ng anak ni Kabesang Tales. Sa pakikipagsapalaran ni Kabesang Tales sa bukid, natagpuan ni Kabesang Tales ang isang lupa na walang nagmamay-ari kung kaya’t ginawa nyang tubuhan.  Dahil sa sipag at tiyaga ni Kabesang Tales ay umunlad ang bukid.  Dahil sa maunlad ang ang bukid ay pinagkitaan ito ng mga prayle at pinagbayad ng buwis si Kabesang Tales. Hindi pumayag si Kabesang Tales ngunit pinayuhan siya ni Tandang Selo na isipin na lamang itong kanyang alagang buwaya na lalong lumalaki ang gastos. Sinubukan itong tutulan ni Kabesang Tales ngunit siya man ay walang nagawa at tuluyang nakulong. Bilang anak nito, si Juli ay ginawa ang lahat upang makalaya ang kanyang ama kasama na dito ang pamamasukan bilang katulong kay Hermana Penchang.

Kabanata 5 : Ang Noche Buena  ng Kutsero

          Gabi na nang makauwi si Basilio sa bayan ng San Diego at kasalukuyang nagaganap ang prusisyong pang noche buena. Nalimutan ng kutsero ang kanyang sedula kaya't naabala sila sa daan dahil kinailangan muna itong bugbugin ng mga gwardiya sibil.

          Pagkatapos nito'y dumaan ang imahen ni Metusalem, ang pinakamatandang taong nabuhay sa mundo, kasunod nito ang imahen ng tatlong Mago.  Naalala dito ni Sinong si Haring Melchor na kayumanggi ang balat. Itinanong kay Basilio ng kutsero kung nakawala na si Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Naniniwala kasi sila na ito ang Hari ng mga Pilipino na diumano'y makapagpapalaya sa bayan. Pagkaraan ay nakita nila ang ibang imahen at sa huli ay ang imahen ng Birheng Maria. Matapos ang prusisyon, napuna ng mga sibil ang karitela ng kutsero dahil di nito namalayan na namatay na ang ilaw ng parol. Hinuli ito at dinala sa presinto kaya't naglakad nalang si Basilio.

          Habang naglalakad, napansin nya na wala gaanong mga palamuti ang mga bahay at tahimik ang karamihan maliban sa bahay ni Kapitan Basilio na nagkakasiyahan. Kabilang dito ang Kura, Alperes at si Simoun.

          Nang makarating si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago, sinalubong sya ng mga katiwala at ikinwento ang mga nangyari  bukid. Maraming namatay na hayop at mga katiwala na lubos na pinanghinayangan ni Basilio. Ang huling balita ay ang pagkakadakip kay Kabesang Tales, ang ama ng kasintahan nyang si Huli.

Kabanata 6 : Si Basilio

          Madaling araw ng binisita ni Basilio ang gubat ng mga Ibarra. Ipinagdasal nya ang kaluluwa ng kanyang ina at inalala ang nangyari  labing-tatlong taon ang nakararaan na minsang may tumulong sakanyang lalaki. Naalala din nya ang lalaking tumulong sa kanya sa oaglilibing sa lalaking sugatan at sa kanyang ina. Kalaunan ay lumuwas sya ng Maynila dahil sa hirap na nararanasan ay naisip nyang magpasagasa na lamang sa karwahe. Sakto naman na karwahe ito ni Kapitan Tiyago, isinama nya si Basilio at nagging tagasilbi ng kapalit nito ay ang pag-aaral nya sa Letran.

          Noong una ay hindi makasabay si Basilio at lagging pinagtatawanan ngunit sa husay nito at pagpapakitang gilas. Kalaunan ay lumipat ito sa Ateneo Munipal at doon nag-aral ng medisina. Sa ikatlong taon ay marunong na itong manggamot kaya nakapag ipon na din. Kapag nakatapos ng pag-aaral si Basilio at pakakasal na sila ni Huli


Kabanata 7 : Si Simoun

          Nakita ni Basilio na may paparating kaya siya ay nagtago sa isang puno. Nakita niya na si Simoun ito na naghuhukay kaya't siya ay lumabas at lumapit para tumulong.

          Tinutukan siya ng baril ni Simoun at tinanong kung siya ay nakikilala nito at kilala nga ni Basilio ang totoong katauhan ni Ibarra.

          Papatayin na sana ni Simoun ang binata ngunit dahil sa halos pareho sila ng sinapit ay hindi niya itinuloy.

          Nagkaroon sila ng pagtatalo patungkol sa paghihiganti dahil tila hindi nais ni Basilio na maghiganti dahil hindi nito maibabalik ang kabyang ina at kapatid, at sa kanilang pagtatalo lalong lumakas ang loob ni Simoun sa kanyang paghihiganting binabalak.

          May isang lalaking mulato ang dumating at naghukay gamit ang asarol. Nakilala naman ni Basilio ang taong ito. Ang taong naghuhukay ay si Ibarra na dating tumulong na magpalibing sa pagpapalibing sa ina ni Basilio at lalaking sugatan labing-tatlong taon na ang lumipas na ngayon ay nagpapanggap bilang si Simoun, isang mag-aalahas. Natigatig si Simoun ng malamang nakikilala siya ni Basilio. Ang pagpatay ni Simoun sa mga taong nakakaalam ng kanyang sikreto ay hindi nangyari kay Basilio sapagkat pareho rin sila ng kapalarang dating naging mulala. Sinubukang hikayatin ni Simoun si Basilio na sumali sa kanyang binabalak na paghihigante ngunit naging matigas si Basiio sa kanyang pinaniniwalaan. Mas lalo namang tumibay ang pagnanais ni Simoun na makapaghiganti.


Kabanata 8 : Maligayang Pasko

          Nang sumapit ang umaga, agad pumunta si Huli sa kinalalagyan ng Mahal na Birhen upang tingnan ang inaasahang dalawandaan at limampung piso sa ilalim nito subalit hindi naghimala ang Mahal na Birhen at hindi niya ito natagpuan. Dahil ditto ay nilibang na lamang ni Huli ang sarili sa pag-aayos ng damit mla sa tampipi na dadalhin patungo sa tahanan ni Hermana Penchang. Pumunta ang mga kamag-anak ni Tandang Selo kasama ang kanilang mga anak na nakabihis ng magara upang mamasko ngunit walang lumabas na salita sa bibig ng ingkong ni Huli nang batiin niya ang mga bisita. Sa puntong ito, kanilang napagtanto, napipi si Tandang Selo.

          Ang inakalang naghihimalang Mahal na Birhen ni Juli ay hindi natupad. Inabala na lang ni Juli ang kanyang sarili at nag-ayos ng kanyang mga damit na dadalhin sa pagpunta kay Hermana Penchang. Si Tandang Selo naman ay tuluyan ng nakapinid ang kanyang mga labi noong minsang pumunta ang kanyang mga kamag-anak upang mamasko suot-suot ang magagarang damit. Pinisil pisil nya pa ang kaniyang lalamunan at sinubukang magsalita ngunit tanging alatiit lamang ang kanilang naririnig.


Kabanata 9 : Ang Mga Pilato

          Agad na kumalat ang balita ng pagkapipi ni Tandang Selo at naging usap-usapan sa buong bayan. Ang ilan sa mga mamamayan ay nagbigay ng kanilang opinyon tungkol dito at sinabing hindi sana mangyayari iyon kay Tandang Selo kung hindi umalis si Kabaesang Tales. Samantala, sumalungat at ibinalik naman ni Hermana Penchang ang sisi sa matanda. Aniya ay parusa daw ito dahil hindi tinuruan ng maayos ni Tandang Selo, Nagbigay din siya ng opinyon ukol sa pagtubos ni Basilio sa kasintahan at sinabing isang demonyo ang binata at ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga. Samantala, dahil sa tulong na salapi ni Juli ay nakauwi na si Kabesang Tales.

          Nakuha ni Huli ang salapi sa perang pinagbilhan ng alahas, pangungutang kay Hermana Penchang at ang salaping pinagbentahan ng lupa. Dahil hindi na pagmamay-ari ng babae ang lupa, pinapaalis na siya ng hukuman sa bahay at binigyan ng tatlong araw para alisin ang mga gamit dito. Ang pangyayaring ito’y ikinatuwa ng mga pari at ng bagong may-ari ng lupa subalit ikinalugmok sa isang tabi at nabalisa ang Kabesa.


Kabanata 10 : Kayamanan at Karalitaan

          Tumuloy si Simoun ka Kabesang Tales na naghihirap na, kaniyang dala ang mga kailangan at mga alahas. Ipinagmalaki niya ang rebolber habang dumating naman ang mga bibili ng alahas. Doon at namili sina Kapitan Basilio, si Sinang at ang asawa. Dumating din si Hermana Penchang. Namili si Sinang ng kwintas ngunit tinawaran ito ni Simoun ng limandaang piso dahil ito ay kay Maria Clara. Ngunit sabi ni Hermana Penchang na tanungin muna si Huli bago ito ipagbili, pumayag naman sila.

          Si Kabesang Tales ay umalis dahil kinailangan niyang sumapi sa tulisan, kinuha niya ang rebolber ni Simoun at sinabi naman nito na siya’y magingat. Hinuli si Tandang Selo, samantala, tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon: ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito na putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng babae ay “Tales” na nakasulat sa papel at ang ioinansulat ay dalising isinawsaw sa dugo.

          Tuluyang nahanap ni Simoun ang taong kanyang hinahanap, isang pangahas ngunit marunong tumupad sa pangako sa katauhan ni Kabesang Tales. Ito ay noong minsang manuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales. Si Kabesang Tales ay narahuyong sa alahas na dala ni Simoun dahil naisip nya na maaari nyang matubos si Juli kung makakakuha siya ng kahit maliit na brilyante sa mga alahas na iyon. Sumama si Kabesang Tales sa mga tulisan at kinuha ang rebolber ng mag-aalahas. Pinaalalahanan niya si Simoun tungkol sa pahamak na matatamo ni Simoun sa mga tulisan.


Kabanata 11 : Los Banos

          Naglalaro sina Simoun ng baraha at siya ay nagbigay ng mga kakaibang kundisyon sa kanyang kalaban para sa pusta.

          Ipinagbawal ng Heneral ang mga armas de salon subalit, sinabi ni Simoun na huwag itong ipagbawal sa halip ay magkaroon na lamang ng iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon.

          Tumutol din si Simoun sa pagpapatayo ng Akademya dahil sa ito'y kahina-hinala.


Kabanata 12 : Placido Penitente

          Malungkot si Placido Penitente habang patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas sapagkat tulad ng dalawang sulat niya sa ina'y ibig na niyang tumigil sa pag-aaral. Nasa ika-apat na taon na siya sa pag-aaral at hiniling na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya. Tila isang palaisipan naman sa kanyang mga kababayan sa Tanawan, Batangas kung bakit siya titigil sa pag-aaral sapagkat siya nama'y isang matalinong bata, walang bisyo, walang kasintahan, at laban sa mga aral ng Tandang >Basyong Makunat. Nasa liwasan si Placido ng tapikin siya sa balikat ni Juanito Palaez—isang mayabang na anak ng isang mestisong Kastila atvpaborito ng mga guro. Sa kanilang pag-uusap ay natalakay nila ang mga pangyayari sa bakasyon ni Juanito sa Tiyani kung saan hinarana raw sila "ni Padre Camorra ng mga naggagandahang babae at wala raw silang bahay na hindi napanhik. Natigil lamng ang kanilang usapan ng manghingi ng abuloy si Juanito para sa monumento ng isang paring Dominikano at binigyan naman ito ni Placido. Sa unibersidad naman ay nakikipagtalo si Isagani sa isang aralin. Napatingin naman ang mga tao sa karwahe kung saan lulan ang katipan ni Juanito na si Paulita Gomez at nginitian siya ni Donya Victorina na tiyahin ni Paulita. Si tadeo nama'y isang estudyanteng papasok lamang upang alamin kung may pasok at kung wala'y magdadahilang maysakit ngunit nakakapasa at himala na lamang na napasunod kay Paulita sa simbahan. Ang iabng mag-aaral ay nakapasok na ngunit may tumawag kay Placido upang lumagda sa kasulatang tutol sa paaralang pinaplano ni Makaraig kaya't siya'y nahuli sa klase. Sa kanyang pagpasok sa silid ay naisip niyang ito na ang panahon upang makilala ng guro mula sa 150 kaklase kaya't pinatutunog niya ang takong ng sapatos. Nabastusan naman ang kanyang guro at sinabing bibigayn siya ng parusa


Kabanata 13 : Ang Klase sa Pisika

          Sa isang klase sa Pisika, ang isang guro ay nagtanong sa isang estudyante. Dumating si Padre Millon at itinuloy niya ang pagtatanong sa estudyante nang hindi na niya masagot ang tanong, siya’y binulungan ni Juanito Pelaez at ito ang kaniyang sinagot. Sumunod na tinawag sa Pelaez dahil nalaman nilang binubulungan niya ang estudyante. Siya’y tinanong din ng Padre. Si Placido Penitente ang siyang bumubulong ng sagot kay Pelaez, nang hindi marinig ni Pelaez ang bulong ni Penitente, inapakan niya ang paa nito na dahilan upang malaman nilang binubulungan niya si Pelaez. At dahil sa pangyayaring iyon, si Penitente naman ang pinatayo at tinanong. Mayroong isang tanong ang Padre na hindi masagot ni Penitente, at ito’y hindi nagustuhan ng Padre. Siyay’y napagalitan at nasabihang bibigyan ng masamang marka dahil ang kaniyang sinagot ay masama, pati na rin ang kaniyang pagliban sa mga klase nang ilang beses. Si Penitente at ang Padre ay nagkaroon ng diskusyon, sa huli, si Penitente ay umalis ng klase nang walang paalam at siya’y nagsabi na siya’y maaaring markahan nila ng kahit ano, ngunit wala silang karapatang siya’y aglahiin.


Kabanata 14 : Sa Bahay ng mga Mag-aaral

          Si Makaraig ay nakatira sa isang malaking bahay. Dahil ito'y maluwag, may mga binata nanangungupahan dito. Siya ay mayaman at kumuha siya ng kursong abogasya. Siya'y pinuno ng kilusan ng Akademika ng wikang Kastila. Kung kaya't inimbitahan niya sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez upang pag-usapan ang kanilang layunin.

          Naniniwala sina Isagani at Sandoval na papayagan ang pagbubukas ng paaralan subalit si Pecson ay nagdududa. Kaya sila'y nagkaroon ng debate kung ano ang kanilang gagawin sa kanilang paaralan. Si Sandoval ay simbolo ng mga Kastila na pinahahalagahan ang mga Pilipino. Iniulat naman ni Makaraig na ipinagtatanggol sila ni Padre Irene sa mga sumasalungat sa kanilang adhikain. Kailangan din daw nila na pumanig sa kanila si Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan.

          Mayroon silang dalawang taong malalapitan upang makumbinse nila si Don Custodio. Sila ay sina Ginoong Pasta na isang manananggol at ang mananayaw na si Pepay. Napagdesisyunan nila na si Ginoong Pasta ang kanilang lapitan.


Kabanata 15 : Ginoong Pasta

          Sinadya ni Isagani si Ginoong Pasta upang kuhanin ito bilang manananggol at pumanig sa kaniya sakali mang kuhanin ito ni Don Custodio. Ngunit napagpasyahan ni Ginoong Pasta na huwag makialam ditto dahil ito ay isang maselang bagay. Pinahanga naman niya si Ginoong Pasta sa kaniyang naging ganting katwiran na kinakitaan ng katalinuhan at katayugan ng kanyang pag-iisip.


Kabanata 16 : Kasawian ng  isang Intsik

          Sinisingil ni Simoun ang isang intsik na nagngangalang Quiroga sa kanyang utang na siyam na libong piso.

          Inalok ni Simoun si Quiroga na babawasan niya ng dalawang libong piso ang kanyang utang kung papayag si Quiroga na itago ang mga armas sa kanilang bahay at napilitang sumang-ayon si Quiroga.


Kabanata 17 : Ang Perya Sa Quiapo

          Maraming dumalo sa perya. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalaga at naghimutok dahil nais na nyang maging kura sa Quiapo. Nakasalubong nya sina Paulit kasama sina Isagani at Donya Victorina. Sina Padre Camorra ay may pinasok na tindahan na mga tau-tauhang kahoy, may nakita silang larawan na kahawig ni Simoun. Hinaanap nila ang mag aalahas ngunit wala ito. Ayon kay Padre Camorra baka natakot ito dahl pagbabayarin nila ang pagpasok at paglabas ni Mr.Leeds. Sabi naman ni Ben Zayb baka natakot itong matuklasan nila ang lihim ng kanyang kaibigan na si Mr.Leeds. Ani rin nya “Makikita ninyo’t ang lahat ay sa salamin lamang”.


Kabanata 18 : Ang Mga Kadayaan

          Pinuntahan ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago pa magsimula ang palabas, naghahanap si Ben Zayk upang mahanap ang salamin sa kanyang inaasahang lugar ngunit wala siyang nahanap.

          Si Mr. Leeds ay pumasok sa isang pinto at may hawak na siyang kahong kahoy sa kanyang pagbabalik. Sinabi niyang ito ay natagpuan niya sa isang libingang nasa pyramid ni Khufu, Isang Paraon ng Ehipto. Naglalaman ng abo at kapirasong papiro na may dalawang salita. Nang lumabas ang unang salita ni Mr. Leeds sa kanyang bibig,  nabuhay ang abo at ang ulo ay nagsasalita. Pagkabigkas ng ikalawang salita ni Mr.Leeds, bumalik ito sa dating puwesto. Nagsabi siya ng isang salita at nagsimula ng magkwento ang ulo na si Imuthus. Kinuwento nito ang mga pangyayaring dati pang naganap. Kasama sa kwento ang hindi totoong namamahala na si Sumerdis na dapat si Gautama, isang magnanakaw na laging may pandaraya. Marami ang nangyari kay Imuthus dahil lang sa pandaraya. Siya ay pinatay ngunit sabi niya kay Mr. Leeds na nabuhay siya upang ipahayag ang kataksilan. Hinimatay si Padre Salvi ng makita niya ito. Sumunod na araw, pumuntang Hongkong dala ang lihim.

Kabanata 19 : Ang Mitsa
          Si Placido Penitente ay galit nag alit at halos hindi makapagtimpi, gusting maghiganti. Nakita niyang dumaan si Padre Sibyla at Don Custodio. Napadaan siya sa Escolta at nadaanan ang dalawang Agustino. Gusto niya itong pag-undayan ng suntok, ngunit siya’y nagpigil. Nadaanan niya ang dalawang kadete at sinagasaan ito. Dumating si Kabesang Andang sa kaniyang tinutuluyan na taga- Batangas. Naghinagpis ito nang malamang hindi na makakapag-aral si Placido. Umalis si Placido at nilibot ang Sibakong, Tundo, San Nicolas at Sto. Kristo. Umuwi siya dahil sa pagod at inakalang wala na ang ina ngunit nandoon pa ito. Nagsermon ang ina tungkol sa pagtitiis. Umalis ulit siya at pumuntang bapor, naisipan niyang mag Hongkong upang magpayaman at kalabanin ang pari pabalik. Nakita niya si Simoun sa perya at sila ay nagkwentuhan, pumunta sila sa karwahe at nakita si Isagani at Paulita. Sila ay nakarating sa pagawaan ng pulbura. Sapat na raw kay Simoun sina Kabesang Tales ang kabinero at isang rehinameyento dahil pag pinagpaliban ang plano ay baka patay na si Maria Clara.Umuwi na si Placido at nakinig na siya sa kaniyang ina, pinauwi niya ito sa Batangas dahil baka malaman ng prokudor na naroon siya at hihingian pa ito ng regalo at pamisa.

Kabanata 20 : Si Don Custodio

          Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo o kaya mas kilala bilang “Buena Tinta”, ay isang kilalang tao sa Maynila. Siya ay nakapag-asawa ng isang babaeng mayaman at dahil doon ay nakatayo siya ng isang negosyo. At kahit na kaunti lamang ang kanyang kaalaman, ay pinupuri siya ng mga tao dahil sa kanyang kahanga-hangang kasipagan; at ang mga usapin sa akademya ng wikang Kastila ay pinagkakatiwalaang malutas ni Don Custodio.

          Nang makarating siya ng Espanya ay hindi siya pinansin dahil sa kaunti lamang ang kaniyang napag-aralan at wala pang isang tao’y bumalik siya ng Pilipinas at pinagyabang ang hindi naming totoong magandang karanasan niya sa Madrid.

          Sinabing niyang isang siyang amo at tagapagtanggol at para sa kanya ang mga Pilipino’y ipinanganak para lamang maging mga sunod-sunuran.


Kabanata 21 : Mga Anyo ng Taga-Maynila

          Nang gabing iyon, nagkaroon ng pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog ng mga Pranses. Marami ang dumalo para rito. May lumapit na lalaki kay Camarroncocido siya ay si tiyo Kiko. Pinakitaan siya ng mamisong Mehikano. At iisa ang kanilang hanapbuhay; pagdidikit ng mga paskil.

          Nagkaroon ng iba’t ibang opinion ang mga tao sa Maynila. Mayroong mga di-sumang-ayon sapagkat ito’y masagwa at laban sa moralidad ngunit mayroon ding sumang-ayon rito. Naging malaki at malaganap ang bulung–bulungan at kasama ring nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga, at mga artista.

          Ayon kay Camarroncocido, sa halip na sumunod sa mga prayle ay sinuway ng mga tao ang sinabi nito na wag manood ng palabas.

          Nang makaalis si tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong kahina-hinala. Isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa kanila, pagkatapos siya ay lumapit sa karwahe at nakipag-usap sa taong lulan. Nakarinig si Camarroncocido ng putok ng baril at umalis ang karwahe. Naisip niyang may binabalak ang mga ito.

          Habang naglalakad si Camarroncocido ay nakarinig siya ng pag-uusap, ani ng isa na may hawak na rosaryo at kalmen: Mas malakas ang mga kura kaysa sa mga heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga kura ay naiiwan, at yayaman tayo. Ang hudyat lamang ay isang putok.

          Sa labas ng dulaan naroroon si Tadeo kasama ang isang baguhan sa lungsod. Niloloko niya ito sa pagsasabi ng mga kahanga-hangang kasinungalingan. Sinasabi niya na kaibigan niya ang mga malalaking tao kahit hindi ito totoo. Dumating si Paulita at ang kanyang tiya na si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si Padre Irene at dumating din si Don Custodio.

          Dumating sina Makaraing, Pecson, Sandoval, at Isagani. Kanilang inalok si Tadeo na manood dahil may labis na tiket sila. Iniwan ni Tadeo na mag-isa ang kasama niya na taga-lalawigan.


Kabanata 22 : Ang Palabas

          Magulo at maingay ang mausok na paligid at samu't-saring gawain ang ginagawa ng mga tao. Naaliw naman sa panonood ang mga tao sa isang lalaki na nakaupo at ayaw umalis sa pwestong pagmamay-ari ni Don Primitivo. Hindi naman ito mapaalis ng mga tanod sapagkat mataas rin ang pwesto nito. Nang dumating ang Heneral ay tumugtog ang Marcha Real. Masaya ang lahat maliban kay Isagani dahil nakita niya si Paulita na kasama si Juanito Pelaez na kanyang karibal. Umawit ang Pransesang si Gartude ng awitin na puno ng tsismis ng linggo. Isinasalin naman ni Tadeo ang kanta sa Kastila at nakigaya naman si Juanito na hindi naman gaanong maalam sa Pranses. Umawit rin si Serpolette at may isang pumalakpak sa una. Ito ay si Padre Irene na pinag eespiya ni Padre Salvi sa kung masama ba ang ginagawang palabas. Si Juanito ay patuloy sa pagpapanggap na maalam sa Pranses at siyang nakikisabay sa mga tao sa kanilang ginagawa. Kapag ang mga tao'y tumatawa ay tumatawa rin siya na tila kanyang naintindihan ang ugat ng pinagtatawanan. Humanga naman sa kanya si Donya Victorina at ninais niyang pakasalan kapag namatay na si De Espadaña. Umubo nang hindi kanais-nais si Juanito at nagalit si Don Custudio at siya'y sinigawan at nais paalisin. Napag-usapan rin ang hindi pagsipot ni Simoun sa palabas. Pinagtatalunan naman ng mga mag-aaral ang kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses. Dumating nang malungkot si Makaraig at sinabing napasiyahan na raw ang paaralan ayon kay Padre Irene. Ito ay pinahintulutan subalit ipapailalim sa Unibersidad ng Sto Tomas sa kamay ng mga Dominikano.


Kabanata 23: Isang Bangkay
          Pauwi na si Basilio nang siya'y makarinig ng papalapit na yabag at makakita ng liwanag. Siya'y nagtago sa isang puno ng balete at SA kabila nito'y huminto ang taong dumating. Nagsimula itong maghukay. Nakilala ito ni Basilio at walang iba kundi ang mag-aalahas na si Simoun na siyang tumulong sa kanya labing tatlong taon na ang nakalilipas para ilibing ang kanyang ina at ang lalaking sugatan. Lumabas sya mula sa puno at tumulong sa paghuhukay ngunit tinutukan siya nito ng baril. Tinanong sya nito kung nakikilala niya ito na sinagot ni Basilio ng oo. Inaakala daw ng iba na ito'y patay na ngunit nakilala nya ito bilang si Ginoong Ibarra. Naisip ni Simoun na patayin ito dahil malaking sekreto ang nalaman nya ngunit sinabi ni Basilio na pareho lang sila ng pinagdaanan at nais makamit ang katarungan. Sinabi ni Simoun na siya nga si Ibarra at nilibot nya ang mundo para magpayaman at bumalik upang maghiganti sa mga sumira sa kanyang buhay. Nais niyang imulat ang natutulog na damdamin ng mga mamamayan para ipagtanggol ang bayan. Sinasalungat ni Simoun ang plano nila Basilio na magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Ayon pa dito'y magmumukhang walang sariling pagkakakilanlan ang Pilipinas na pati kapintasan at hiram dahil sa pagpupumilit na hiramin ang wika ng Espanya. Sinagot ito ni Basilio, anito'y wikang Kastila ang nagbubuklod sa lahat na siyang tinutulan ni Simoun dahil iilan lang naman ang nakakaalam ng wikang ito. Tinutuligsa ni Simoun ang mga taong kinakaligtaan ang sariling wika at nagpapanggap na hindi nakakaunawa nito. Mas mabuti pa daw kung pauunlarin nalang ang katutubong wikain at magkaroon ng layuning pambansa. Dapat din ay wag hayaan ang mga kastilang mamuno sa ating mga Pilipino dahil sila'y mga dayuhan lamang. Sa pamamagitan nito'y mas matatamo nila ang tunay na kalayaan. Ito ang dahilan kung bakit hinayaan ni Simoun na buhayin si Basilio, Isagani at Makaraig sa kabila nang kaalamang maaaring maging hadlang ang mga ito sa kanyang pinaplano. Ang katwiran ni Basilio, inakala niyang ito ang makabubuti ngunit panggagamot ang kanyang hilig. Sinabi ni Simoun na kailangang unahin ang paggamot sa sakit ng bayan kaysa ano pa man. Ang nais naman ni Basilio ay makapaglingkod sa Bayan kaya siya kumuha ng Medisina. Sa huli, nauwi ang kanilang pag-uusap sa tagisan ng karunungan. Dito'y naramdaman ni Simoun na hindi sapat ang kanyang mga sinabi para mahikayat si Basilio. Sinabi niya na walang ibang ginawa si Basilio kung hindi maghinagpis sa bangkay ng kanyang ina ngunit handa nya itong tulungan na maghiganti. Ang sagot ni Basilio'y wala naman siyang mapapala sa paghihiganti. Ngunit kadalasan ng mga mabubuti ay naaapi. Pinaalala ni Simoun na maaari niyang danasin ang mga dinanas ni Ibarra. Sinabi niya pa na kung sakaling magkaroon ng pamilya si Basilio ay magkakaanak ito ng mababait na alipin at ang kanyang damdaming mabuti o masama ay mamamana nito.

Kabanata 24 : Mga Pangarap

          Mag-uusap si Isagani at Paulita, na magkasinta sa Luneta. May kausap si Isagani habang nakikitang kasama ng kanyang mahal si Juanito sa dulaan. Nang nalaman ni Isagani na may gusto si Donya Victorina kay Pelaez ay nag-iba ang emosyon niya at nagtawanan kasama ang kanyang kausap. Kinuwento nila sa isa’t-isa ang mga nais nilang pangarap. Para kay Isagani, nais niyang bumalik sa kanyang tanging lugar, sa nayon. Ang lugar na iyon ay sinasabi niyang kaligayahan niya bago pa dumating si Paulita sa kanyang buhay.

          Ngayon naman, may nararamdaman siya na may kulang sa kanya ang bayang iyon at ito ang kanyang sinta. Hindi pumayag si Paulita na lumakbay doon sapagkat mas payag siya kapag tren ang gamit. Pinagkumpara ni Isagani sa kanyang kaisipan ang pagpansin ng mga taong pampamahalaan kay Simoun at sa mga kawal na sugatan. Mas pinansin ng mga tao si Simoun dahil mayaman at may-kaya. Ang nasa isip niya any hindi lamang bansa ng Pilipinas kung hindi ang Espanya na rin.

          Nawala ang lahat ng inis ni Isagani nang ngitian siya ni Paulita. Biglang naging panira ng kasiyahan si Donya Victorina dahil tinanong nito kung ang asawa niya ba ay nagtatago sa nayon nila. Walang binanggit si Isagani. Nagtanong pa ulit si Donya Victorina na kung ano daw ba ang mangyayari kung nagpakasal sila ni Juanito Pelaez. Sa halip na magalit, pinuri niya pa rin si Juanito sa harap ng Donya kahit na kinaiinisan niya ito. Pinausap niya sa wakas ang magsinta at kung magkatuluyan man ang dalawa, magiging pokus niya si Juanito

Kabanata 25 : Tawanan at Iyakan

          Naganap ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Nagtawanan ang mga estudyante ngunit mababakas ang hinanakit ng bawat isa. Dumating si Isagani at si Pelaez na lamang ang kulang, hiniling niya na dapat ay si Basilio na lamang ang nasa piging sa halip na si Juanito Alfonso III sapagkat malalasing lamang si Basilio at maibubunyag niya ang lihim sa mga nawawalang bata. Masaya silang nagkainan at ang pansit langlang ay ibinigay kay Don Custodio.

          Pinagtalumpati si Tadeo at hindi ito handa ngunit nagsimula siya kahit papaano. Gaya ni Tadeo pinagtalumpati din si Pecson. Binatikos niya ang mga prayle dahil mula bata hanggang kamatayan ay kasama nila ang mga prayle. Narinig ng utusan ni Padre Sibyla ang talumpati ni Pecson at sumakay sa karwahe paalis.


Kabanata 26 : Mga Paksil

          Nagising ng maaga si Basilio upang dalawin ang kanyang pasyente sa ospital ng San Juan de Dios. Matapos nito'y tutungo sya sa pamantasan para sa kanyang lisensiyatura. Nais niya ring makita si Makaraig upang makahiram ng salapi sapagkat ang kanyang naimpok ay ginugol niya sa pagpapalaya kay Huli.

          Sa daan, nakadaupang palad ni Basilio ang propesor na naging malapit sa kaniyang loob. Tinanong nito kung kabilang siya sa mga dumalo sa piging kagabi at mabuting wala raw siya doon. Nang malamang miyembro si Basilio ng kapisanan ay pinayuhan niya itong umuwi't sirain lahat ng kasulatan na maaaring magdawit sa kaniyang pangalan.

          Nabanggit niya si Simoun ngunit walang kinalaman ang huli dahil sa sugat na natamo bagkos ibang tao ang may kinalaman dito. Naisatinig ni Basilio kung mayroong tulisan ang kasangkot ngunit sagot ng propesor ay pawang mga estudyante lang ang sangkot. Sa unibersidad daw ay nagkalat ang mga mapanghimagsik na paskil.

          Sa pagpapatuloy niya'y napag-alaman niyang maraming estudyante ang makukulong, ibabagsak sa pag-aaral at pupugutan ng ulo.       

          Dahil dito'y naalala ni Basilio ang winika Ni Simoun na ititiwalag ang sinumang hindi makatapos ng karera kaya't naghinala siya na ito ang may pakana ng mga paskil.

          Ibibilanggo ang lahat ng mga estudyanteng kabilang sa kapisanan. SI Juanito ay tulirong paulit-ulit na sinasabing hindi siya kasama rito at dali-daling lumisan nang makakita ng tanod.

          Nakita ni Basilio si IsagEN-PHani na namumutla ngunit nagsisikip ang kalooban. Ani nito'y hindi na mahalagang alamin pa ang may pakana nito sapagkat ito'y tungkulin na ng mga prayle. Dagdag pa nito, ang mga nakasulat sa paskil na ayon sa kanilang kalooban, maging sinuman ang sumulat ay pinasasalamatan at kung hindi ay tutulan nalang at tanggihan. Ngunit salungat dito si Basilio kaya't lumisan nalang siya at tinungo ang kinariroonan ni Makaraig. Pinagsawalang bahala Ni Basilio ang mga senyales ng mga kapitbahay at nang makaharap niya ang dalawang tanod ay sinabi niya ang kanyang pakay. Dumating si Makaraig kasama ang dalawang kawal at Kabo. Kinuwestiyon ng Kabo si Basilio at isinama sa mga dinakip.


Kabanata 27 : Ang Prayle at Estudyante

          Ipinatawag ng isang katedratikong si Padre Fernandez si Isagani at siyang pinuri sa talumpati nito sa pagkakaroon nito ng paninindigan. Sinabi ni Padre Fernandez na marami na siyang naturuan at sinisikap na maturuan na mga estudyante. Ang mga ito ay maraming sinasabi sa mga prayle subalit mga hindi naman makapagsalita sa kanilang harap. Kinontra naman ito ni Isagani at sinabi na hindi kasalanan ng mga ito ang magsalita laban sa nakatataas. Inisa-isa nito ang mga mali at hindi magandang gawain ng mga prayle sa pagtuturo. Aniya na kontratista ang mga prayle dahil sila pa mismo ang nagsasabi na hindi dapat pag-aralin ang mag-aaral. Sinabi naman ng pari na ito daw ay dahil hindi karapat-dapat ang mga walang lakas ng loob at mayroong hindi magandang asal. Tinuran din ni Isagani na kung ganito ang klase ng kabataan ay iyon ay dahil sa kanilang kagagawan bilang sila ang nagtuturo sa mga ito. Ikinatwiran ng pari na ito ay ipinag uutos lamang sa kanila ng pamahalaan. Sinabi nito na hindi daw dapat sa kanila at sa pamahalaan isisi ang pagkakaroon ng masamang ugali ng mga mag-aaral kundi sa masamang pagkakatatag ng kanilang samahan.


Kabanata 28 : Pagkatakot

          Ipinagmamalaki ni Ben Zayb sa El Grito na tama ang kaniyang turan na napapasama lamang ang mga Pilipino sa pag-aaral. Si Quiroga ay nagalak na pumunta kay Simoun upang makipanayam sa pagkakalat ng pulbura at mga armas. Ngunit hindi niya ito nakausap at ipinasabi na huwag na lamang galawin ang kahit ano. Kumalat ang balita sa San Mateo sa magaganap raw na paglusob. May mga estudyante ang pumunta sa Malakanyang subalit sila’y nahulihan ng mga armas. May mga nagpapanukala sa mga maaaring gawin ng pamahalaan upang matigil ang gulo. Kina kapitan TIyago ay dumaitng si Padre Irene at siyang nagsasabi ng mga nakakatakot. Nanginginig ang matanda habang nagpupumilit bumangon hanggang sa namatay itong bumubula ang bibig. Sa isang simbahan ay may nagsabog ng kuwalta na siyang pinag-agawan ng mga bata. Inakala ng isang opisyal na gawa iyon ng mga pilibustero. Pinaghahabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao at sinasabing nagsimula na raw ang himagsikan may dalawang tao ang nahuling nagbabaon ng armas subalit hindi ito nahuli. Ang mga napagtatanungan ay binabaril. Sa isang tindahan ay nabanggit si Isagani. Ito raw ay luko-luko dahil kusa raw nagpahuli. Ano daw kaya ang gagawin ni Paulita, kung ito raw ba ay magpapakasal sa iba. Marami na rin ang nag rorosario at nagdadasal sa mga bahay-bahay. Sa bahay naman ni Placido Penitente ay hindi naniniwala ang platero sapagkat iyon daw ay kagagawan lamang ni Padre Salvi. Ayon naman sa isa ay si Quiroga raw ang may kagagawan. Natigil ang pag-uusap nang dumating si Placido kasama ang manggniya gawa ng pulbura ni Simoun. Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo. Sabi ng isa ay pupugutan ang mga ito ng ulo sabi naman ng isa ay hindi raw iyon magyayari sapagkat ang nagsabi na si Simoun  ay may sakit.gabing iyon ay artilyerong kastila ang siyang nagbantay sa pinto ng siyudad. Kinabukasan sa Luneta, sa may pinto ay may natagpuang bangkay ng dalagitang kayumanggi na halos hubad. Nakita iyon ni Ben Zayb subalit hindi na nabalita.


Kabanata 29 : Ang Huling Pati-ukol  kay Kapitan Tiyago
          Namatay si Kapitan Tiyago dahil sa kumplikasyon sa baga. Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana nito. Bahagi ng pamana ay mapupunta sa Santa Clara, sa Papa, sa Arsobispo, sa mga korporasyines. Beinte pesos ang para sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral habang ang beinte-sinco na binawi ni Kapitan Tiyago na ibibigay sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sinabing sa kanya ito galing. Pinagtalunan kung ang isusuot kay Kapitan Tiyago ba ay prak o isang abito na mungkahi ni Kapitan Tinong. Nanaig ang desisyon ni Padre Irene na bihisan ito ng kahit alin sa mga suot nito dati. SI Donya Patrocino ay inggit na inggit sa libing ni Kapitan Tiyago at nais na mamatay na rin upang magkaroon ng libing na higit pa sa libing ni Kapitan Tiyago.

Kabanata 30 : Si Huli

          Ang pagpanaw ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay Basilio ay isang balita na halos alam ng mga tao sa lugar ng San Diego. Kung dinamdam ito ng buong San Diego, mas lalo itong dinamdam ng isang tao na nagngangalang, Huli. Hindi niya maalis ang mga pangyayari sa kanyang kaisipan. Nais niyang lapitan si Padre Camorra para lamang kay Basilio sapagkat ang padreng iyon ay makapangyarihan. Nagdulot ito ng mga bangungot sa kanya gabi-gabi. Nagdadalawang-isip si Huli kung hihingi ba siya ng tulong o hindi.

          Nag-iisa na lamang si Basilio sa piitan at ang mga kasama niya noon ay nakalaya na. Dahil siya na lang ang nakapiit, nakaplanong itapon siya sa Carolinas. Napilitan si Huli na lapitan si Padre Camorra kahit na lama niya ang mga binabalak nito. Si Hermana Bali rin ang pumilit rin sa kanya dahil ang akala nito ay ang pari na lamang ang natitirang pag-asa para sa pagkalaya ni Basilio. Nangyari ang inaakala ni Huli, ang panggagahasa sa kanya kaya siya ay tumalon sa bintana at naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Ang naganap ay naging usapan sa lugar.

          Nilapitan siya nina Tandang Selo at Hermana Bali. Si Tandang Selo ay nagsisigaw at nagwawala dahil sa nangyari sa apo. Alam niyang hindi mahahanap ang hustisya para sa apo kaya lumapit na lamang siya sa mga tulisan.

          Dinamdam ni Huli ang pagkakahuli sa kanyang kabiyak na si Basilio at pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Umuukilkil sa kanyang isipan ang mga pangyayari kaya’t hindi mapalagay ang kanyang damdamin. Nagdadalawang isip noong una ay nilapitan niya upang mabigyang kandili ni Padre Camorra at makalaya si Basilio. Alam ni Huli na sa kanyang paghingi ng tulong kay Padre Camorra ay may kapalit. Kinagabihan, ay naging usap-usapan ang pagtalon ni Huli sa bintana ng kumbento. Ang ingkong naman ni Huli na si Tandang Selo ay nagwawala habang nananagis sa harap ng kumbento at sa huli ay sumama sa tulisan sa kawalan ng pag-asang matatama niya ang katarungan para sa kanyang apo.


Kabanata 31 : Ang Mataas na Kawani

          Ang pagkamatay ni Huli ay hindi napabalita sa mga pahayan at tanging kabutihan lang umano ng heneral ang pinamalita sa tulong ni Ben Zayb. Nakalaya na sila Isagani at Makaraig habang nanatiling nakakulong si Basilio. Ipinagtanggol ng kawani ang binata at inilarawan ito bilang mabuting bata na malapit nang magtapos sa pag-aaral nito ng Medisina. Ngunit mas lalong ginusto ng Heneral na makulong ito matapos marinig ang mga sinabi ng kawani. Ito daw ay magsisilbing halimbawa sa iba. Inakusahan din nito si Basilio na gumagamit ng bawal na aklat sa Medisina. Ayon sa kawani ay dapat matakot ang Heneral sa mga ginagawa nya sa bayan na tinawanan lang nito dahil sa kadahilanang bansang Espanya daw ang nagtalaga sa kanya sa posisyon at hindi ang bansang Pilipinas. Matapos lumisan ng kawani makaraan ang dalawang oras, nagbitiw ito sa puwesto at nagwikang babalik nalang sa Espanya sakay ng susunod na barko.


Kabanata 32 : Ang Bunga ng Mga Paskil

          Sina Makaraig, Pecson, Juanito Pelaez, at Tadeo ay hindi nakapasa sa kanilang mga eksamen at kurso sa unibersidad. Gayunpaman, natuwa pa rito si Tadeo at nagawa pang sunugin ang kanyang mga aklat. Itinali ng ama sa negosyo si Pelaez. Si Makaraig naman ay agarang tumungo sa Europa. Tanging sina Isagani at Sandoval lamang ang nakapasa. Si Basilio ay hindi pa nakakapagsagot ng pagsusulit dahil nasa bilangguan siya. Dito na rin niya nalaman ang pagkawala ni Tandang Selo at pagkamatay ni Juli sa pamamagitan ng kutserong si Sinong. Si Simoun ay mamamahala ng isang piging sa bahay ni Kapitan Tiyago na nakuha ni Don Timoteo Pelaez.

          Ilang linggo na ang lumipas, nabalitaan nilang ikakasal na si Juanito kay Paulita kung saan ninong ang Kapitan Heneral at si Simoun ang mag-aayos nito. Abala ang karamihan sa gaganaping kasalan. Ngunit ang iilan ay iniisip na makipagkaibigan kina Simoun at Don Timoteo para makadalo sa kasalan.


Kabanata 33 : Ang Huling Matuwid

          Maagang nag-ayos si Simoun ng kanyang mga hiyas at armas sapagkat araw na ng kanyang pag-alis at sasabay siya sa Kapitan Heneral. Kinahapunan, nagkulong siya sa kanyang silid at naghabilin na huwag magpapapasok ng kahit na sinuman bukod kay Basilio. Nang dumating si Basilio, nagulat siya sa laki ng ipinayat ipinagbago nito. Sa kanilang pag-uusap ay inamin ni Basilio kung paanong naging masamang anak ito sa kanya at sinabing aayon na ito sa mga plano ni Simoun kaya’t matutuloy na ang himagsikan. Iginaya ni Simoun si Basilio sa laboratory upang maipakita ang isang granadang nakakubling tila isang karaniwang ilawan lamang. Sinabi niya kay Basilio na sa kapistahan nila ito gagamitin upang makapaminsala sa mga bisita sa pista. Upang magtagumpay ang kanyang binabalak, pinaplano ni Simoun na makipagtagpo kay Kabesang Tales sa siyudad upang maibigay nito ang mga armas kay Kabesang Tales. Si Basilio naman ang mamumuno sa mga arabat at magkukuta roon upang sumaklolo kina Simoun. Papaslangin niya ang mga taong laban sa paghihimagsik pati na rin ang mga lalaking tatangging sumanib sa kanila. Sinabihan ni Simoun si Bsilio na sa ika-10 ng gabi’y magtatagpo sila sa tapat ng simbahan ng San Sebastian para sa mga huling tagubilin.


Kabanata 34 : Ang Kasal ni Paulita

          Ika-walo na ng gabi ng maisip ni Basiliong makituloy sa kaibigang si isagani ngunit hindi rin natuloy nang malamang hindi umuwi ang kaibigan sa araw na iyon. Samantala, 2 oras na lamang ang nalalabi bago sumabog ang ilawan ni Simoun. Sinalat ni Basilio ang baril at naalala ang babala ni Simoun na lumayo sa daang Anloague. Sa daang iyon matatagpuan ang bahay ni Kapitan Tiyago at may nabanggit din si Simoun na doon idaraos ang kasal nina Paulita at Juanito. Nang makita niya ang pagdating ng sasakyan ng bagong kasal, naisip niya si isagani. Nakadama siya ng awa para dito at naisip na yakagin itong sumama sa himagsikan ngunit napagtanto niyang malaki ang tyansang hindi ito pumayag sapagkat hindi nito naranasan ang kanyang mga naranasan. Muli niyang naalala ang kanyang pagkabilanggo, kabiguan sa pag-aaral, at ang nagyari kay Huli. Hinawakan niya ang puluhan ng kanyang baril at ninais na dumating na ang araw na kanyang pinakahihintay. Dumating si Simoun at ang kutserong si Sinong at sinundan ang sasakyan ng bagong kasal. Nagtungo rin si Basilio sa bahay ni kapitan Tiyago sa Anloague kung saan gaganapin ang kasal. Makikita doon ang kapitan heneral na ninong sa kasal habang dala naman ni Simoun ang ilawang handog. Halata ang labis na karangyaan na masasalamin sa bahay; ang dinding kung saan nakadikit ang magagarang palamuting papel, kurtinang may mga pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titk ng mag-asawa, at ang pinakamasasarap at mahal na mga alak na nakahain sa hapag. Palibhasa’y ubos-kaya si don’tomoteo na siyang ama ng kinakasal.


Kabanata 35 : Ang Piging

          Ikapito ng gabi nang dumating ang mga bisita sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan ginaganap ang piging para sa ikinasal. Lahat ng mga bisita, anuman ang estado sa buhay, pinagpupugayan ni Don Timoteo. Dumating na rin sina Donya Victorina at Padre Salvi ngunit wala pa ang Heneral. Matapos ang ilang pangyayari ay dumating na ang Heneral. Naroon si Basilio sa harap ng bahay na nanonood sa mga nagdadatingan. Naawa siya dahil sa mga inosenteng madadamay kaya naisip niyang magbigay ng babala. Ngunit ng makita niya sina Padre Salvi at Padre Irene ay hindi na niya itinuloy. Nakita niya si Simoun na kakila-kilabot ang anyo, dala ang ilawan. Naalala ni Basilio ang dinanas ng kanyang ina, kapatid, at ni Huli. Gusto niyang iligtas ang mga nasa bahay ngunit pinigilan siya ng mga tanod dahil sa kanyang itsura. Nakita ito ni Simoun. Ang mukha niya’y parang nagsasabing tumuloy sa sasakyan at nag-utos na,”Sa Eskolta. Matulin!”. Lumayo si Basilio at nakita si Isagani. Ipinaliwanag niya ang tungkol sa ilawan saka umalis. Naisip niyang kasamang sasabog sa bahay si Paulita. Samantala sa loob ng bahay ay may nakita ang mga nagpipiging ng kapirasong papel na may nakasulat na “Mane Thacel Phares” at “Juan Crisostomo Ibarra”. Sabi ni Don Custodio ay biro lamang iyon dahil matagal nang patay si Ibarra. Pero nang makita ito ni Padre Salvi ay sinabi niyang pirma niya ito. Nanlambot siya sa takot. Sinabi ng Kapitan Heneral na huwag na iyon intindihin at magpatuloy na lamang sa pagkain. Nagsalita si Don Custodio. Pakiramdam niya na ang sulat ay nangangahulugang papatayin silang lahat noong gabing iyon. Binitawan nila ang mga kubyertos sa akalang nilalason sila. Utos ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas nito ang mitsa ng ilawan. Dali-daling may pumasok, tinabig ang utusang humadlang dito at kinuha ang ilawan. Itinakbo niya ito sa asotea tsaka itinapon sa ilog. Ang anino ng kumuha ng ilawan ay tumalon rin sa ilog.


Kabanata 36 : Mga Kapighatian ni Ben Zayb

          Patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tanggapin mula sa bahay ni Kapitan Tiyago upang sulatin ang pangyayari. Ipinalabas niyang bayani ang Kapitan-Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio, at Padre Salvi. Ngunit ibinalik ito ng patnugot ng pahayagan dahil ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit sa ano mang ukol sa nangyari.

          Dumating ang balita mula Pasig na nilusob ng maraming tulisan ang bahay-pahingahan ng mga prayle at may natangay ang mga itong dalawang libong piso. Nasugatan ang isang prayle at dalawang utusan. Naisip ni Ben Zayb na gawing bayani ang kura na natamo ang kanyang mga sugat sa pagtatanggol.

          Natungo siya sa Pasig at naabutang sugatan si Padre Camorra. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo. Tatlo ang magnanakaw na may dalang gulok. Limampung piso ang nanakaw. Ayon ditto ay hindi tama ang salaysay ni Padre Camorra at kailangan daw gawing marami ang tulisan.

          May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayaha na sumama kina Matanglawin upang salakayin ang kumbento at bahay ng mga mayayaman. Pangungunahan sila ng isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang sabi ay kumikilos ito sa utos ng Kapitan-Heneral na kaibigan daw nito. Katulong pa raw nila ang mga artilyero kaya’t wag daw matakot. Ang hudyat ay isang malakas na putok pero walang putok kaya inakala ng mga tulisan na sila ay niloko. Sigurado ang ilan na bumalik ang iba sa bundok. Nais nilang maghiganti sa mga Kastila na lumoko sa kanila. Ang mga tulisan ay nagpasyang manloob.

          Ayaw paniwalaan ang mga tulisang si SImoun ang nilalarawan na puno nila. Ngunit hindi natagpuan si Simoun sa bahay niya. Maraming bala at pulbura ang nakita roon. Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay Simoun. Mabilis kumalat ang balita tungkol sa mag-aalahas. Marami ang hindi makapaniwala dito.


Kabanata 37 : Ang Hiwagaan

          Lumaganap parin sa mga mamamayan ng palihim ang mga nangyari noong gabi. Dahil ang payat na platerong si Chikoy ay nagdala ng hikaw kay Paulita, nakita niya ang maraming supot ng pulbura sa ilaim ng mesa, silong, bubungan, sa mga likod ng upuan sa baha ni Kapitan Tiyago. Maaring nakaaway ni Don Timoteo o karibal ni Juanito kay Paulita ang maaring gumawa ng bagay na iyon ayon kay Ginoong Pasta. Binalaan si Isagani na magtago ngunit ngiti lamang ang iginanti nito. At dagdag pa ni Chikoy, may dumating na mga sibil ngunit walang mapagbintangan ngunit si Don Timoteo at Simoun lamang ang namahala sa pinagganapan ng piging.Natakot ang babaeng tagapakinig at nagpahayag ng sari saring opinyon na marahil ang prayle, si Quiroga, mga mag aaral o si Makaraig ang may kagagawan. Ngunit sabi pa ni Chikoy, si Simoun ang may pakana ng lahat ayon daw sa ilang kawani dahil ito'y nawawala at pinaghahahanap ng mga sibil. Paglipas ng sandali ay agad namang umalis si Isagani at hindi na bumalik pa sa kanyang amain.


Kabanata 38 : Kasawiang Palad
          Halos buong Luzon na ang nagambala ni Matanglawin. Siya ay isang tulisan na nanununog, nangungulimbat at naninira ng kapayapaan. Palipat-lipat ng lugar ngunit walang nakakahuli sa kanya. Dahil hindi mahuli ng mga pulis, ang mga magsasakang walang alam ang dinadakip nila.

          Nakagapos at nakayapak na naglalakbay sa initan ang mga magsasaka na nawawalan ng pag-asa at napopoot. Pinaparusahan sila kapag may isa na matutumba sa guton at pagod. At sa sobrang hirap ay hinihiling na lang na patayin na lang siya. Bukod pa sa pahirap ay kinukutya rin sila ng mga guwardiya sibil ngunit hindi naman lahat. May isang guwardiya na tutol sa pagmamalupit at pinipigilan ang mga kasamahan.

          Nagtalo ang guwardiya na tutol sa pagmamalupit na si Carolino na bago pa lamang at ang isa sa mga guwardiyang nagpapahirap na si Mautang. Hanggang sa isang bilanggo ang sinumpong ng ihi at tawag ng kalikasan. Siya ay nagpaalam ngunit di pinayagan. Hanggang sa isang iglap ay gumulong gulong si Mautang sa lupa at duguan, binaril. Isang putok ulit at tinamaan ang isang kabo sa bisig at namaluktot sa sakit. Ang sumunod ay ang mga bilanggo na pinagbabaril. Saka pa lamang gumanti ang mga nasa batuhan at sa bundok. Lumusob ang mga sibil sa pinagtataguan ng kanilang kalaban at sila ay nabigo.

          Isang lalaki ang lumitaw sa ibabaw ng talampas at iwinasiwas ang baril. May isinisigaw ito ngunit hindi maintindihan ni Carolino. Nagpalitan pa sila ng putok. Lumusob ang mga sibil at pinaputukan ang lalaking nag amba ng sibat na siya naman nabulid.

          Nakita ng unang umabot sa talampas ang isang matandang lalaki na nanghihingalo at binayuneta ito. Nagulat si Carolino, si Tandang Selo ang matanda, ang kanyang tiyo. Namatay ito nang may tinuturo sa likod ng talampas.

Kabanata 39 :  Katapusang Kabanata

          Malungkot na tinugtog ni Padre Florentino ang kanyang armonyum dahil sa pag-aakalang si Don Tiburcio ang tinutukoy sa telegrama. Pinabasa ng tenyente ng mga guwardiya sibil sa kanilang bayan ang telegrama kay Padre Florentino na may nakalagay na “Espanyol escondido casa Padre Florentino cojero remitara vivo muerte”.

          Nang matanggap ni Padre Florentino ang telegrama pinaghinalaan niyang si Simoun ay tumakas sa mga kawal kung kaya’t malubha ang natamong niyang sugat.

          Inisip ng pari kung bakit sa kanya ninais ni Simoun mamalagi kung dati’y napakababa ng tingin sa kanya nito. Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun at tila nawala ang mapangutyang ngiti nito. Uminom pala siya ng lason at tinitiis lang ang sakit na nararamdaman. Maghahanap sana ng lunas ang pari ngunit pinigilan siya ni Simoun.

          Pinagtapat ni Simoun ang totoo niyang katauhan kay Padre Florentino at nagulat ito. Tinakpan ng pari ang kanyang mukha upang ituring na isang kumpisal ang pagtatapat ni Simoun. Inabot hanggang gabi ang pagtatapat ni Simoun at humingi ang pari ng tawad sa mga pagkukulang ni Simoun. Namayani ang katahimikan at biglang bumuntong hininga si Simoun, pagkatapos noon ay higit na mahabang katahimikan ang namayani.